KABANATA 18: TULAD ng inaasahan ay hindi pa rin naman maganda ang trato sa akin ni Daniel Oliveira. Isang linggo pa lang ang lumilipas pero tila ba mas lumala pa siya. Simula ng dumating kami dito ay tila mas kinulong nito ang sarili sa apat na sulok ng kwarto nito. Ayaw na nitong kumain. Hindi ko nga maintindihan samantalang noong nasa Hospital kami nakukuha naman niyang kumain ulit. Mas iritable na siya kumpara noon. Ang malala, nagbabasag na siya ng gamit. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na mag-therapy kami. Iyon naman kasi talaga dapat. Araw-araw pati mamasahihin ang binti niya para manumbalik sa dati. Pero ayaw niya. Naguguluhan na ko sa takbo ng utak niya at mood na pabago-bago. Bumaba ako bitbit ang tray na may lamang pagkain. As usual, hindi na naman siya kumain. Paano gagalin