KABANATA 10: NAGTITIGAN kaming dalawa. Parehong ayaw magpatalo. Sa tanang buhay ko bilang Nurse, ngayon ko lang naranasan na sumagot sa pasyente. Masyado kasi siya. Si Daniel ang unang nagiwas ng tingin pero naroon pa rin ang aburidong mukha nito. Tumingin ako sa pader at napahingang malalim. "I expect you to talk to your Mom and Dad. Para naman hindi ka mairita sa akin kasi pabalik-balik ako dito," sabi ko sabay tinalikuran ko siya. "Don't tell me what to do, woman. You're just nothing but a puppet to me." Napahinto ako sa akmang paglakad. Kinuyom ang kamao at nagtagis ang bagang. Ayoko na siyang lingunin dahil alam ko naman kung anong itsura niya. He's mocking me. I remained silent. Nagpatuloy ako sa paglakad kahit na nagpupuyupos na ko sa inis. Sometimes, it's better to walk away