KABANATA 9: HINDI na nawala sa isip ko iyong pagu-usap namin ni Mrs. Oliveira. Mabuti na lang at nakontak ko siya. Pareho silang magasawa na nagaalala sa kalagayan ng anak. Siniguro ko naman sa kanila na ia-update ko sila sa status ni Daniel Oliveira. Kasalukuyan pa itong nasa Operating Room at alam din nila iyon. Bago ko ibaba ang tawag ay inassure ko na gagawin namin ang lahat para maging maayos ang kanilang anak. Gulat iyong kaibigan ni Daniel na si Troy dahil sa coincidence na ito. Gusto pa niyang huwag kong sabihin sa magulang ng kaibigan nito pero bakit ko iyon gagawin. Bukod sa malapit sa akin ang magulang ni Daniel Oliveira. Responsibilidad din naming ipaalam ang sitwasyon ng pasyente sa pamilya nito. Kung ano man ang mangyari doon baka magulat na lang sila at magr