KABANATA 43: NGAYON lang ako nahirapan na sabihin ang salitang OO. Halo-halo ang emosyon ko pero nangingibabaw ang pagmamahal ko para kay Daniel. Hindi ko ata kayang pakawalan pa ang tulad niya. Nangilid ang aking mga luha. Pansamantala kong isinantabi ang alalahanin ko kanina. Hindi nga e, biglang naglaho muna at natabunan ng proposal ni Daniel. “Baby?” tawag niya kasi nakatingin lang ako sa kanya. Dahan-dahan akong tumango. Kasabay niyon ay siyang pagpatak ng mga luha ko at desisyon na aaminin ko na din sa kanya ang nakaraan ko. Atleast, we’re engaged, right? Siguro naman hindi niya ako iiwan basta-basta kasi magpapakasal na kaming dalawa. Ano man ang marinig niya sa nakaraan ko ay hindi na magbabagong ikakasal na kami ni Daniel. Ang kaninang kaba na bumalot sa b