KABANATA 44: "Winona?" Kumunot ang noo ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Lumingon ako kay Daniel at nakitang nakatingin na siya sa banda namin. Tumaas ang kilay ng babae. "I wonder you didn't recognize me. Hindi mo talaga ako maalala? Sa wedding... ni Ate Aiko?" sabi nito na tila pinapaalala niya sa akin kung saan kami nagkita. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Lumapit siya lalo sa akin at pinanliitan ako ng mata. Kamag-anak ba namin ito? Hindi ko na maalala dahil buong ceremony ata nakayuko lang ako dahil nahihiya sa dami ng kamag-anak nila. Alam ko namang pinaguusapan nila ako na anak ako sa labas kaya hindi ko magawang makihalubilo. I swallowed hard. Ngumiti ako. Hindi ako pwedeng magpanic dahil sa oras na gagawin ko iyon ay maalarma si Daniel at baka mapasugod pa