Kabanata XXX: Captured |Maria| MABILIS akong sumugod sa kanya. Mukhang nagulat ito sa paglabas ko sa kakahuyan at mabilis siyang dinamba. I managed to stride him and about to kill him pero agad akong tumilapon sa ere dahil sa malakas niyang pagtulak. Mabilis akong nakabawi at agad na kumilos. Nagpagulong-gulong ako sa lupa at binaon ang dalawang kamay sa doon upang huminto ako sa paggulong. Naiwan ang marka sa ginawa ko. Tila naging isang pilat iyon sa magandang damuhan. Nakatayo na ito ng maayos nang makatayo ako ng tuluyan. Sa layo ko ay kitang-kita ko ang ngisi nito sa mukha. "Ahh. Sa ilang araw na nakatira ka sa akin, hindi ko man lang napansin kung sino ka. Hanap ako ng hanap sa'yo and only to find out that you're in my territory." He suddenly said habang pinapagpagan ang sarili