KABANATA 34: RIX POINT OF VIEW: HINDI KO ALAM KUNG ANONG nangyari kay Denzel. Nang magsalita nang kung ano-ano si Tito Miguel tungkol sa mga magulang niya ay bigla na lamang nag-iba ang timpla niya. Hindi ko rin halos matanggap ang mga sinabi nito lalo na at masyadong mahalay at sensitibo. Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng mga sinabi niya pero kung ako rin ang nasa katayuan ni Denzel, malamang na magiging ganoon din ang reaksyon ko. Natakot ako sa inasta ni Denzel. Nakita kong nanginig ang katawan niya at ang mga kamao niya ay nakakuyom dahil sa galit. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinakinggan, masyadong naituon ang atensyon niya sa galit niya kay tito Miguel at nakalimutan niyang nakatali pa rin ako sa silya. Bumuntong-hininga ako at tahimik na nagdasal na sana

