KABANATA 33: THIRD PERSON POINT OF VIEW: "SIR! NA-LOCATE NA PO NAMIN ang location kung saan tumawag si Miguelito Valerio!" Kaagad na nagkagulo ang investigation unit nang sabihin iyon ng isa sa sa mga pulis ng research team. Agad namang nagmadali sina Lieutenant Tolledo at Detective Arellano kasama ang iba pang mga pulis para maging back up. Tumungo sila sa meeting room upang mag-usap at pagplanuhan ang susunod na hakbang. Kailangan nilang gumawa ng plano kung paano mahuhuli ang notorious killer na matagal nang pinaghahanap ng mga pulis. Bagamat ilang beses na nilang kinulit ang C.E.O ng Valerio Group of Companies ay hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi naman kasi pwedeng pilitiin itong magsalita kahit ang totoo'y kahina-hinala na ito. Aniya'y wala na siyang kaugnayan pa sa kaniyang a

