KABANATA 14: RIX POINT OF VIEW: "BALITA NGAYON ANG PAGKAMATAY ni Neda Villareca dahil sa atake sa puso. Si Neda Villareca ay isa sa mga shareholders ng Valerio Group of Companies at may-ari ng kilalang legal na casino sa bansa. Ngunit palaisipan sa mga pulis ang maliit na sugat sa kaliwang leeg nito. Inaalam pa ng pulisya ang dahilan kung bakit ito inatake sa puso gayo'ng walang makuhang dahilan ang mga doctor. . ." Humigop ako ng itim na kape habang nanunuod ng T.V. madalas kaming magkape ni Nena bago kami mag-umpisa sa trabaho pagkatapos mag-ayos ng mga lamesa. Kailangan kasing may pampabuhay kami ng dugo para sa buong gabing pagtatrabaho. "Bakit kapag mga simpleng mamamayan lang ang inatake sa puso, hindi naman ibinabalita sa T.V.? Samantalang ang mga malalaking tao, kaunting kibot

