KABANATA 13: RIX POINT OF VIEW: AKALA KO HINDI NA AKO muling gagambalain pa ng mama ko. Pero umaga nang pauwi na ako, nakatanggap ako ng text mula kay mama. Hindi ko 'yon inaasahan lalo na at walang kahit na anong okasyon. Si mama kasi 'yong tipo ng taong walang pakialam sa'yo unless may kailangan siya. Buong buhay ko, iyon ang ipinakita at ipinadama niya sa akin. From: Mama. Kumusta ka 'nak? Halos dalawang oras na mula nang nagtext si mama pero hindi ko pa rin iyon sinasagot. Kasi hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Natatakot kasi ako na baka may kailangan siya o kaya'y ipapaalala na naman niya ang tungkol kay Joah. Wala na rin akong balita tungkol kay Joah at ipinagdarasal ko na sana hindi na niya maalalang binili niya ako kay mama, kung totoo man 'yon. Ang totoo, natatakot din ako

