CHAPTER 21 "Dios na mahabagin. Anung ibig sabihin noon?" bulong ni Aling Naty nang biglang nahulog ang hawak niyang baso na lalagyan sana niya nang tubig para dalhin niya sa kanyang kuwarto. Kahit na maayos ang pagkahawak niya a hindi niya mawari kung bakit at paanu ito nahulog. Dali-dali siyang nagsuot nang tsenilas at nagtungo sa kabilang bahay, sa bahay nina Aling Belen. Kung saan naroroon ang ampon nang anak niya. "Naimbag nga rabiim Naty nakaumay ka met ket rabiin. ( Magandang gabi Naty napadalaw ka gabi na ah." salubong ni Aling Belen. "Kasta met kenka Belen naimbag nga rabiim. Nakaumay nak man ta madanaganak , basta natinnag jay eggem ko nga baso. Kumusta ni Faith? ( Magandang gabi din sa iyo Belen, napasugod ako para kumustahin si Faith. Bigla ko kasing nabitawan ang bas