CHARTER 22 "Dennise Joyce! " sambit ni Rey nang matumba ang dalagang nakayapos sa kanya mabuti na lamang at naagapan niya ito kayat sa kanya ito bumagsak matapos mawalan nang malay. Alam niyang nahihirapan na ito sa kasusuyo sa kanya para sabihin kung nasaan ang kapatid nito pero hindi niya kayang isakripsyo ang pagkakaibigan nila ni Terrence kahit pa nangangahulugan na ang kaligayahan niya ang nakasalalay. Pinangko niya ito at dinala sa kuwarto niya at inilapag sa kanyang higaan. Binuksan niya ang aircon at inilagay ang katamtamang temperatura para maginhawaan ang pakiramdam nito. "Ang ganda mo talaga Dennise. Hindi ko man masabi sa iyo kung gaanu kita kamahal, pero sa pagpapahalaga ko sa iyo maipadama ko ito. Mahal ko kayong pareho ni Terrence pero hindi ko kayang isakripsyo ang p