CHAPTER 23 As the time goes by, mas naging mahigpit ang schedule o oras ni Rey para sa lahat nang bagay. Naging malapit din sila sa isa't isa lalo ni Dennise. Pero kahit gaanu siya kabusy hindi pa rin niya napapabayaan ang trabaho niya lalo ang mag-inang ampon niya. Siya ang tumayung ama ng bata. Kung may nakakaalam man kung nasaan sina Terrence at Yana ay ang mga magulang nang huli at silang magkakaibigan. Pero ang tungkol sa manugang nang mga Mckevin ay silang magkakaibigan lamang ang nakakaalam tungkol dito. At habang lumalaki ang batang Mckevin ay nakikita o mas lumilitaw ang pinagmulan nito. Malapit na itong mag isang taon pero hindi pa rin nagigising ang ina nito. Dagdag pa ang mga kaibigan niya sa kabilang bayan na mag asawa na. Nagpakasal ang mga ito sa mayor. Siya at ang