CHAPTER 24 Hindi malaman ni Rey kung anu ang mararamdaman niya nang oras na iyun. He sacrificed his love to her pero bakit ganun? Kasalanan ba niya kung pinili niya ang manatiling tahimik kaysa sabihin kung nasaan ang dalawa? Alam ng Diyos kung paanu pinahalagaan ang bawat isa sa mga ito. Mahal niya ang bawat isa sa mga ito. Mahal niya sina Terrence at Yana bilang mga kapatid at kaibigan, at mahal niya si Dennise pero hindi niya masabi sabi dito ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan at tiwala ng mga ito sa kanya. At ngayung galit na galit na ito sa kanya ay lumubog na rin ang pag asa niya na masabi dito ang damdamin niya. Ang balak niya ay muling kausapin ang mag asawa tungkol sa kalagayan nila pero hindi na ito mangyayari kailanman. "Wooooooooooohhhhhhh!