CHARTER 27 Kadalasan sinasabi nating laging nasa huli ang pagsisi pero minsan mas magandang manahimik na lang para sa ikakabuti ng lahat. Kung nagulantang ang pamilya Mckevin at Harden sa pagsabog sa Ilocos Sur ay mas nagulat sila sa balitang may labanan na namang naganap na kinasangkutan ng kanilang anak na hindi nila nalaman. "Ma'am Dennise! " napasigaw na aniya ng isang katulong ng makitang bumagsak ang bunsong anak ng kanilang amo. "Manang! Tulungan niyo ako si ma'am Dennise nawalan ng malay! " sigaw nitong muli. Hindi naglipat minuto ay nagsisulputan ang ibang mga kasambahay. "Tawagin niyo si ma'am Princess para masabi natin ang nangyari kay ma'am Dennise." aniya ng mayordoma. Pero bago pa makaakyat ang isa sa mga ito para tawagin ang mga amo nila ay nakababa na ang amo ni