Chapter 26 Walang nagawa ang pamilya Harden, at pamilya Mckevin kundi ang ipinagkatiwala ang tahanan ng mag-asawang Yana at Terrence sa mga nandoon. Palakaibigan ang mag asawa kayat hindi nakapagtatakang maraming kaibigan ang mga ito. Umuwi silang muli sa Baguio na walang nalaman kung nasaan ang mga ito. Kung ang paglayo ng dalawa ay alam ng mag asawang Donna at Bryan , pero this time pare-parehas na silang walang kaalam-alam kung nasaan ang mga ito. "Anak baka naman puwedi nating mapakiusapan ang kaibigan mo baka alam niya kung nasaan ang kuya mo." tanung ni Ginang Princess sa anak na halatang malalim ang iniisip. "Are you listening to your mom Dennise Joyce?" kunot noong aniya ni Raven I. Pero imbes na sumagot ang dalaga ay dumungaw lamang siya sa bintana nang kanilang sala. "Wa