"Nagkamali ako sa pag-iwan ko noon sa mga anak ko, 'Nay..." sabi ko habang pinagmamasdan sila Kade at Kane. Naglalaro ang dalawang bata sa bakuran ng bahay. Isang araw ng Sabado ay bumisita kami kanila Nanay. Kalaro ng mga ito ang kuya Junior nila. Buntong hininga na naupo si Nanay sa tabi ko rito sa may upuang kahoy sa labas lang din ng bahay. "Hannah, nakaraan na iyon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Kasama mo na ang mag-aama mo at wala nang magpapawalay pa sa 'yo sa kanila." ngumiti si Nanay nang bumaling ako sa kaniya. Ngunit malungkot parin akong umiling. "Kung sana ay mas naging matapang lang ako noong harapin ang lahat. Hindi 'yong pinili ko pang umalis." Umiling din si Nanay at hinawakan ang mga kamay kong nasa aking kandungan. "Anak, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan