Bumuntong hininga ang Mommy ni Troy. "Sinugod ang apo ko rito sa ospital dahil dyan sa asawa mo." paratang niya. "Mom," may pagbabanta sa boses ni Troy para sa ina. "walang may kasalanan sa nangyari. Nagkausap narin kami ng doctor and Kade's already fine." Ngunit umiling iling lang ang ginang. "Hindi parin sana magkakaganito ang apo ko kung-" "Mom," pigil muli sa kaniya ni Troy. "please. What's important is maayos na ang kalagayan ng bata. Stop blaming my wife. It's actually my fault. Hindi ko nasabi kay Hannah. She doesn't know na bawal ang anak namin sa seafoods-" "How would she know?" bumaling sa akin ang Mommy ni Troy. Napayuko ako. "Hindi niya alam dahil wala naman siya habang lumalaki ang mga apo ko." Nanatili akong nakayuko. Alam kong matalim na ang tinging ipinupukol sa akin