Tumigil siya sa paghalik sa leeg ko. Inangat niya ang ulo mula doon at nagtama ang aming tingin. Dinala niya ang isang palad sa pisngi ko at marahan akong hinawakan doon. Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin para muli akong masuyong mahalikan sa labi. Pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niya sa aking dibdib. Kumalas siya sa halikan namin para maghubad ng puti niyang t-shirt na pantulog. Nakita kong humigpit ang mga muscles niya sa braso sa paggalaw upang maghubad. At tumambad sa akin ang malapad niyang dibdib at ang kanyang abs. Umawang ang labi ko sa nakikita. Muli niya akong inatake ng halik at naramdaman ko ang mga kamay niya sa laylayan ng aking spaghetti strap at sinimulan itong i-angat. Sandaling naghiwalay ang mga labi namin para tuluyan niya itong madaan sa ulo ko. Kuma