Sa araw ng birthday ng kambal ay napagkasunduan namin ni Troy na sa bahay nalang magdaos ng selebrasyon. Dumalo ang aming mga pamilya, malalapit na kaibigan at ilang kakilala. Kumuha rin siya ng mga clowns at magician. Para narin sa entertainment, lalo na ng mga bata. "Hannah!" Halos patakbong lumapit sa akin ang kapwa ko guro at mga kaibigang sila Rhea, Masaya ko rin silang niyakap pabalik. Ngayon lang yata kami muling nagkita kita simula noong makabalik ako. "Ang blooming, a." makahulugang puna pa ni Betsy. "Syempre." dagdag pang ngisi naman ni Rhea. May ngiting napapailing nalang ako sa aking mga kaibigan. Inaya ko na sila palabas doon sa malawak na garden kung nasaan ang party ng mga anak ko. "Inday, pakikuha naman itong mga regalo nila. Itabi mo nalang doon sa iba pang gifts."