Bumaba ang halik ni Troy sa leeg ko. Mahina akong napasinghap sa pakiramdam ng mga labi niya sa aking balat. Naramdaman ko ang parang unti unting pag-init ng paligid at paninindig ng mga balahibo ko. "Hannah..." bulong niya. Makaraan ang ilang sandali ay napamulat ako ng mga mata. Halos maramdaman ko na ang buong bigat ni Troy sa akin. Ramdam ko rin ang kalmado niyang paghinga na tumatama sa gilid ng leeg at balikat ko. "T-Troy?" Buong lakas ko siyang maingat na tinulak mula sa pagkakadagan sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at parang natauhan nang makitang pikit na ang kanyang mga mata at mukhang nakabalik sa pagtulog. Awang ang labi ko. Mabilis akong bumaba sa kanyang kama. Lumabas ako ng kwarto at ilang sandaling napasandal sa kasasarang pinto nito. Ano ang nagawa ko... Tinungo ko