Everything that comes always end. Even if it is a problem or a happy moment. Napatunayan ko iyon nitong mga nakakaraang araw. Maybe people will say some are not but the truth is we are just focus on those problems and we forgot to leave it behind. "Riva! Ano na?" Narinig kong hiyaw ni Viro mula sa labas. Naghihintay siya sa may sala habang ako ay nag-aayos pa ako ng sarili. Gustuhin ko man na um-absent ngunit hindi na maaari dahil kahapon ay lumiban na kami. Hindi pabor si Lola sa ganoon. Isa pa, kailangan na namin masimulan ang auto-biography dahil ilang linggo na lamang ang natitira sa amin. "Riva! Sasabay lang tayo kay Nurse Gio!" Muli ay hiyaw ni Viro. Umikot ang mata ko doon. Oo nga pala, hindi na raw namin kinakailangan na maglakad. Umalis sila kagabi ngunit bandang alas diye