"Robin Caniete died of natural way since she is already under severe effect of drugs that makes her body part's weak," ani ng aming Class President. Katatapos lang ng aming Accounting Class at ngayon nga ay oras para sa Research. Hindi na nagtungo si Professor Abott dito bagkus ay nagpadala ng isang estudyante na nagbigay sa amin ng format at nagsabi na magsimula na roon. "Napakadali lang kamo nito," pahayag ng Lila, isa pa naming ka-grupo. Pito kami sa isang grupo. Ang Class President, si Lila, si Mike, si Carina, si Dado, si Viro at siyempre ay ako. Ang patakaran ay dapat malagyan namin ng kakaiba ang Auto-biography. Ang output na makapaglalathala ng kaibahan o kakikitaan ng uniqueness either if its through writing format or narrating format ay mabibigyan ng gantimpala. Hindi na mah