Katahimikan... iyon ang namayani sa mga oras na iyon. Tama ang narinig ko, hindi ba? Tumugtugma sa aking hinala. Si Miss Caniete ay buhay na buhay pa. Higit higit ko ang aking hininga. "She is alive," Viro murmured. Tumango ang babae. "She is..." Ibinaba ang tasa ng kape. "But we do not have anything to prove that and so..." Ngumiti siya ng mapait. "And so we stopped." "Why? Bakit hindi niyo itinuloy?" tanong ko. "It's been eleven years at maaring may nakuha na kayo kung sakaling itinuloy ninyo." Aburido ang utak ko dahil doon. Siguro, kung noon pa lang ay nabigyang linaw na ito, baka hindi na kami nangangailangan na magulo ngayon. I mean, dapat naman talaga maayos, normal at hindi kami namomroblema ni Viro ngayon. But because of this... "We stopped because someone also sent