Is it the caller? Pero kung iyon nga ang tumawag, there's no need to end the call because there's nothing to hide! Who is that? Iyon ang iniisip isip ko hanggang sa matapos ako sa pagpapalit ng damit. Nang makalabas ako mula sa CR ay hindi ko na siya naabutan. Kung normal na araw lamang ito marahil ay hinintay na niya ako subalit hindi. Kaya naman alam ko na mayroon siyang tinatago kung kaya naman iniiwasan niya ako. Nagtungo ako sa kusina at naabutan sila roon na ako na lamang ang hinihintay. Hindi kami kumpleto ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay may aasikasuhin si Alyssa. "Apo, umupo ka na at nang makakakain na tayo," malumanay na pahayag ni Lola na agad ko rin namang sinunod. Ang mga mata ko ay matalim ang tingin kay Viro na siyang nag-iisang hindi bumaling sa akin nang ako ay mak