Tamad at walang buhay akong nakatingin sa may telebisyon na ngayon ay nagpapalabas ng isang true to life story tungkol sa isang killer na nabigyan ng kalayaan sa kabila ng karumaldumal na krimeng ginawa nito sa sariling Magulang. "Nasasaad na si Alexa Abolencia ay isang babaeng ipinanganak na normal ngunit nagkaroon ng kapansanan sa pag-iisip habang siya ay lumalaki dahil na rin sa pagmamaltrato sa kaniya ng mga magulang." pahayag ng Host ng show na pinanonood namin. "Dahil dito ay hindi siya mapapatawan ng kaparusahan dahil na rin sa nakumpirma na ang mga biktima ng dalaga na siya ring mga magulang nito na minamaltrato ang dalaga na siyang dahilan ng pagpaslang nito sa Magulang." "Ayst! Tignan mo, kasalanan naman talaga nila kung bakit sila pinatay!" Malakas na sambit ni Alyssa haban