"Hoy!" Siniko niya ako habang ang ulo ay tuwid na tuwid animo'y hindi ako kinakausap. "Problema ng pinsan mong girl? Mukhang masama ang loob sa akin," sambit niya sa mahinang boses at hindi pinahahalata ang pagtatanong tungkol kay Alyssa na totoo naman na masama ang tema kanina pa buhat nang siya ay dumating. Nilingon ko siya at saka lumabi at nagkibit ng balikat. Nginiwian niya ako at tinignan ng masama at muling bumalik ang tingin sa harap. "I didn't do anything, huh? Malay ko ba na ayaw niya ako kasabay kumain," ani niya, nagkakanda-tabingi ang bibig sa pagsasabi. Natawa ako roon. "Hindi ko rin alam pero hindi naman kasi namin pinsan si Alyssa," bulong ko sa kaniya. Nilingon niya ako, kunot noo pa siya at ang mata ay tila nagtatanong. "Seryoso ba iyan? Sabi mo mga pinsa