“Carina and I have a big connection to this case,” sambit ko. Pinilit kong huwag ipahalata ang kaba na nararamdaman ko sa kung ano man ang maaring maging reaksyon nila. Tumikhim ako dahil ramdam ko ang bara sa lalamunan ko. Nilingon ko si Carina sandali bago nagsalita. “Carina’s biological father is one of the Doctors who experimented on Miss Caniete and I am…” hindi ko maituloy tuloy ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang pagkakataon na ipaalam sa iba ang naging nakaraan ko. Bakas na ang pagka-bigla sa mata ng mga Kaklase namin at hindi ko alam kung kakayanin pa ba nila ang tungkol sa amin ni Viro. “Carina…” bulong ni Dadu, nakaturo ang kamay kay Carina habang bubuka sasara ang bibig. “Ikaw? Ano ikaw?” nanginginig ang boses ng Class President