Nanlalamig ako habang nakatitig sa kaniya. Ang kaniyang mukha… ang mga mata niyang maamo kanina ay napapalitan sa tingin ko ng mga matang puno ng takot at sakit. Ang kaniyang mukha na kanina ay malungkot ay napalitan ng isang mukha ng batang inosenteng nakatingin sa akin at nais makipaglaro. “Halika… laro tayo.” Nakangiti siya ngunit may kung ano sa kaniya na tila hindi siya masaya at nagpupumilit lamang. “Maging magkaibigan tayo.” Ang ulo niya ay pilit niyang pinagkakasya sa may siwang ng railings na siyang pumipigil sa amin na makatakas sa silid na ito. “Huwag ka matakot, hindi naman ako sisigaw, e. Hindi ka lilipad.” Hawak-hawak niya sa isang kamay ang isang magandang manika. “Mabait naman ako kaya makipaglaro ka na sa akin hangga’t hindi pa ako nakikit