Katahimikan ang nanaig sa pagitan namin ni Carina at ng iba pa naming mga Kaklase. Hanggang ngayon ay hindi ako makahuma sa pagka-bigla. Hindi ko lubos isipin na magkakaroon sila ng pagkakataon na marinig kami gayong nasa hardin kami at sila ay naiwan sa loob ng classroom. Iniwan ko sa kanila ang cellphone at hinayaan ko sila na gamitin iyon pansamantala kaya naman hindi ko naisip na hahanapin pa nila kami. Bumuntong hininga ang Class President. “It is already five. Bukas, ipaliwanag ninyo sa amin ang narinig namin,” aniya. Lumapit siya lalo sa akin at iniabot ang cellphone ko habang si Dadu naman ay ang bag namin pareho ni Carina ang hawak. “Oh, umuwi na rin kayo. Iyan ang dahilan kung bakit namin kayo hinanap without knowing na may malalaman pa kaming iba bukod sa ipinag-t