Kinagabihan, walang ingay na maririnig sa loob ng bahay hindi tulad noong mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sila naabutan ditto ngayon ngunit ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit papaano ay nagkaroon ng peace of mind sa bahay na ito. “You happy?” dinig kong tanong ni Viro mula sa baba. “Hmmm,” sagot ko na hindi pa rin mapigilan ang mapangiti. “Nagkaroon kahit papaano ng katahimikan,” dagdag ko pa. “Why do you miss them?” tanong ko. Hindi siya nagbigay ng kasagutan. Hindi ko alam kung dapat na makadama ako ng lungkot dahil doon. “Dahil ba sa akin kaya wala sila rito?” mahina kong tanong ngunit alam kong sapat na upang marinig niya iyon. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya tanda na hindi niya na nais pang sagutin ang tanong ko. Hindi ko m