S2 Chapter 75

1112 Words

Hindi kami kahit kailan nasanay sa magandang pakikitungo ng ibang tao sa amin. Kahit pa nagsimula na kaming magka-isip sa murang edad, hindi namin naranasan na tratuhin na katulad sa kung paano itrato ang isang normal na bata na nakikita namin noon.   Ilang beses ba naming hiniling ni Viro n asana ay magising kami na may isang magulang na mag-aalaga rin sa amin? Iyong dadalhin din kami sa isang lugar na inaakala nilang makapagpapasaya sa amin. Kailan ba namin mararanasan na gigisingin kami para kumain at hindi para mag-trabaho?   Apat na taong gulang kami na agad na namulat sa kung gaano kadumi ang patakaran ng mundo. Gigising sa mga sigaw na pinagmamadali kami dahil napakarami na ang manonood na sa amin ay naghihintay.   Ang sabi nila, naroon kami para makapagpasaya ng ibang tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD