Kinabukasan, alas sais ng umaga ay napakatahimik ng bahay at tanging sa labas lang ako nakakarinig ng ingay. Bakit? Lahat sila ay tulog pa rin at plakdang plakda sa sahig sa sala. Ang iba ay hawak pa ang ilang chips na kinakain na nakatulugan na lamang nila. Wala sila sa mga tamang pwesto at halatang nilamon lang ng antok. Ang telebisyon ay gumagana pa at wala na sa kanila ang naka-isip na patayin iyon bago sila matulog. Napa-iling na lamang ako. Miski si Carina ay hindi maayos ang pwesto. Naiwan nilang naka-bukas ang ilaw sa may kusina at sa banyo. Sa tingin ko ay dalawang oras pa lang ang tulog ng mga ito dahil kung hindi ako nagkakamali ay naririnig ko pa sila kaninang mga three thirty na ay nagkukuwentuhan pa rin. Siguro ang iba ay bumigay na at nakatulog na rin at iyong mga matata