S2 Chapter 92

2031 Words

Mainit, masikip at madilim. Iyon ang mundo na kinamulatan naming magkapatid. Kapag sinabi niya na gawin ay kailangan naming sundin. Kapag sinabing magtago sa mata ng tao, magtago. Kapag sinabing magpakitang gilis, kailangan magpakitang gilas. Noong una ay hindi pa namin lubos na nauunawaan na ang mundong kinabibilangan namin ay puno ng rehas at mga taling komokontrol at nagkukulong sa aming magkapatid at sa iba pang naroroon.   “Ayos lang ba kayo?” unang tanong na narinig namin mula sa isang matanda na gabi-gabi na lamang ay umiiyak.   Hindi namin maunawaan kung bakit sa tuwi-tuwina ay humahagulgol siya at kung bakit nagagalit siya sa mga nagdadala sa amin ng pagkain. Nagagalit siya sa ama-amahan namin. Minsan na naming nasaksihan ni Viro kung paano sinubukan noong matanda na hampasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD