Kunot na kunot ang noo na sinalubong ako ni Carina. Bakas ang pagkainip sa mukha niya. "Bakit ba ang tagal mo, e wala namang traffic sa atin." Dinig ko ang inis sa boses niya. Ngumiti lamang ako ng tipid upang ipakita na wala rin ako sa mood. Mas lalong nangunot ang kaniyang noo. "Anong problema mo?" tanong niya. Umiling lamang ako. Hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Huminto siya sa paglalakad at saka ako hinarap. "Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?" tanong niya. Umiling lamang uli ako at saka dumeretso ng lakad. Sandali siyang naiwan sa likod bago ako hinabol ngunit ngayon ay hindi na nagsalita pa. Tahimik naming tinahak ang information section ng BGC. Ito ang Main Hospital ng Bataen. Bale dalawang malalaking building ito, isang bago at isang luma. Narito