Mabagal ang ginawa kong paglakad papasok sa bakuran namin. Ganoon pa rin, tahimik pa rin naman ang paligid at mahihinang halakhak sa loob ng bahay lamang ang aking naririnig. Dalawang boses ng babae at isang lalaki. Si Lola, Alyssa at Nurse Jiro marahil ang mga yaon. Alam kong hindi hahalakhak ng ganoon ang dalawa pa. Huminga ako ng malalim at saka ipinagpatuloy ang maliliit kong paghakbang. Nang natigil ako sa pinto ng terrace, hindi ko alam kung dapat na ba akong pumasok o huwag na lamang muna at pahupain muna ang kabang nararamdaman. Sa huli, ganoon nga ang aking ginawa. Nilagay ko sa silent ang cellphone at umupo na lamang sa teresa upang magmuni-muni. Ayoko na pumasok sa loob ng bahay at ipakita na naman na ako ay hindi okay. Pumwestso ako sa may harapan mismo ung saan tanaw an