Pala-isipan sa akin bakit biglaan ang ginawang pag-alis ni Mike. Hindi transfer kundi draft na siya gayong lingo na lamang hihintayin namin bago kami magsipag-graduate. May kinalaman ba iyon tungkol sa paki-usap niya sa Nurse o ipinag-utos noong Doctor? Hindi Malabo dahil kino-kontrol naman sila noon, hindi ba? Hindi marahil nanaisin noong Michael na masira ang pag-aaral ng Kapatid niya kung hindi ganoon ang sitwasyon nila. Alam ko na kahit papaano ay napipilitan lamang din siya dahil na rin sa narinig kong paki-usap niya sa tawag. Marahil ay hindi niya lamang nais na mamatay tulad ng gagawin sa kanila noong Doctor sakali na sila ay sumuway. Hindi malabong gawin noong Doctor iyon dahil mukha namang kaya nito ang kahit na ano basta maisakatuparan ang gusto. Kung anak siya ni Oscar Lee