Ilang minute na nag nagdaraan, ang cellphone ay buhay pa rin at patuloy ang tawag ngunit hindi na ako nakapagbitiw pa ng kahit na anong salita dahil hindi tinatanggap ng utak ko ang narinig. Ang cellphone ay hawak ko pa rin. Dinig na dinig ko pa rin ang pag-iyak ni Carina doon maging ang pagtawag niya sa aking pangalan ngunit hindi ko naman siya maalo o ‘di kaya ay masagot sapagkat pilit kong pinagkakasya sa utak ko ang lahat ng impormasyong nalaman. Si Mike na nakakasalumuha namin ay hindi ang totoong Mike kundi ang kambal nito. Iyong Doctor na hindi ko pa rin nahahanap kung ano ang tunay na koneksyon kay Oscar Lee at ngayon… Ngayon ito naman. Ang anak naman ng isa pa sa mga taong bahagi ng masakit at masalimuot naming nakaraan ay nakapaligid at sadyang malapit sa amin. Paano