Andrea Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Isang delivery ang dumating ngayong araw. Manghang nakatingin lang si Ditas sa mga delivery man na naglalabas ng iba't ibang klase ng mga bulaklak na galing sa loob ng dala nilang van. "Ms. Andrea Montecillo?" ang tanong ng isa sa tatlong delivery man, may bitbit itong mga papel. "Yes, ako po 'yon,"maagap na sagot ko. "Ma'am, pakipirmahan na lang po itong resibo," pakiusap nito at iniabot sa akin ang hawak na papel. "Sino po ang nagpadala ng mga ito?"ang tanong ko. "Galing po sa boyfriend n'yo, 'yan po ang nakalagay dito," maagap naman na sagot nito matapos kunin sa akin ang resibo na napirmahan ko na. Lihim akong napangiti, hindi ko akalaing may itinatago palang sweetness itong si Ferdz ko. "Ma'am, sobrang dami naman nito, mukhang