Hindi mapigilan ni Andrea na hindi tugunin ang mga halik na iyon ni Ferdz. Masuyo at puno ng pagmamahal ang mga halik nito. Para siyang idinuduyan sa langit sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na lumulukob sa kanya ngayon. Kapwa hinihingal at halos maubusan nang hininga ng maghiwalay ang dalawa. Hindi makatingin nang tuwid si Andrea, nahihiya siya sa kanyang inasal. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa na pagtugon sa mga halik nito ngunit hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. "Hey, are you mad at me? Why are you not looking at me? I'm so sorry, I just can't help it," nag-aalalang tanong ni Ferdz. Hindi naman makasagot si Andrea natatakot siyang ipagkanulo na naman siya ng kanyang puso. "Hindi ko alam kung bakit mo ako hinalikan. May girlfriend kana kaya pwede ba, huwag mo