Andrea Nagising akong nag iisa na lang sa kama. Wala na si Ferdz at ang anak kong si Lawrence. Napabalikwas ako ng bangon. Alas siyete 'y medya na ng umaga nakasaad sa relo ng sipatin ko ito. Dali-dali akong nag ayos ng aking sarili at lumabas na ng silid. It's my fault. Hindi ako nakatulog, na puyat ako dahil sa hindi ako sanay na may iba pang katabi sa pagtulog bukod sa aking anak. Naabutan kong nasa dining table ang lahat at nag aalmusal. "Ate, gising ka na pala. Halika, tumabi ka na sa akin at mag almusal na tayo,"aya ni Samara. Nakatingin ang lahat sa akin kaya naman nakaramdam ako ng konting hiya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala doon si Ferdz at ang anak ko. " Are you looking for Lawrence?" tanong ni Tita Mina ng mapansing atu