Andrea Agad kong inayos ang nagkalat na laruan ni Lawrence at isinilid sa dala kong bag. Alas sais narin naman ng hapon. Kailangan na naming makauwi dahil gagabihin na kami sa daan. "Why are you here?" Muntik na akong mapalundag sa gulat ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. Nilinga ko ang mga mata sa paligid at natagpuan ko ang may ari ng tinig na nasa aking likuran. Si Ferdz na nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung matagal na ba siyang nasa likuran ko at pinagmamasdan ako. "Ah... Ikaw pala," ang sabi ko, kunyari ay wala lang sa akin na naroon siya at ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Hindi ko namalayan na tuluyan na pala itong nakalapit sa akin. "Are you planning to go home this early? I just arrived. Lawrence was still enjoying outside,"d