Andrea "Mom, tingnan mo si Dad, parang hindi ako ang anak niya, walang pakialam sa akin," himutok ko kay Mommy. Matapos ang graduation ni Lawrence at sa kagustuhan niyang mapasaya ako ay nag request siya sa parents niya na ang graduation gift na lang ng mga ito sa kanya ay payagan kaming magbakasyon ng dalawang linggo sa America para makasama ko ang aking mga magulang. Pangatlong araw na namin dito at talaga namang enjoy na enjoy siya, magkasundong-magkasundo sila ni Daddy isinasama pa siya nito sa construction company namin kapag pumapasok ito. Ang sabi ni Lawrence, mas maganda daw iyon, para narin siyang nate-training, nagkakaroon na siya ng experience dahil sa actual training na itinuturo ni Dad sa kanya, sa daming experience ni Dad as an engineer at namamahala pa ng malaking constr