Inayos pa muna ni Andrea ang pin ng kanyang suot na uniporme bago lumabas ng kanyang silid, kinuha ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa sofa ng siya ay makarating sa sala. Handa na sana siyang lumabas ng sa pagbukas niya ng pinto ay bigla siyang matigilan ng mabungaran niya si Lawrence na nakatayo harap niyon. "Hi!" Masayang bati nito kay Andrea na gwapo ng-gwapo sa pagkakangiti. "Oh, bakit nandito ka pa? Diba may pasok ka sa school?" Ang tanong nito sa binata. "Ihahatid muna kita sa REDISH at pagkatapos deretso na ako sa school," ang sagot naman nito sabay kuha ng kanang kamay ng nobya at marahan itong hinila palabas ng pinto. Sinigurado nitong maayos ang pagkakasara ng pintuan ng unit ni Andrea at pagkatapos ay bumaling uli ito sa nobya, hinawakan ang magkabilang balikat n