Andrea Nagising ako sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Para bang may pares na mga mata ang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napaigtad ako sa gulat ng makita ko si Ferdz, nakahiga ito ng patagilid at nakaharap sa akin. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata sa pagaakalang namamalikmata lamang ako. Ngunit, kahit anong pikit at dilat ko ay nanatili parin siya sa harapan ko at nakatitig sa akin. Kinurot ko naman ngayon ang aking sarili, baka nanaginip lang ako, naisip kong karugtong pa ito ng panaginip ko kagabi. Makailang kurot ako sa aking braso at talaga namang masakit iyon. Isa na lang ang naisip kong gawin para patunayang totoo nga ang nasa aking harapan. Iniangat ko ang aking kanang kamay at dinala ko ito sa kaniyang mukha. Hinaplos ko iyon ng may p