Dalawang araw mula ngayon ay bubuksan na ang Samara Beach Resort sa publiko. Sobrang excited ni Samara dahil ito ang matagal na niyang pinapangarap. Halos ilang buwan din ang ginugol niya para sa renovation ng resort na tuluyan ng ipinamahala ng mga magulang niya sa kaniya. Ngunit, bago pa man ang grand opening ay bumiyahe na ang buong pamilya Lemsworth para magbakasyon at sulitin ang mga araw sa napakagandang lugar bago pa ito dayuhin ng maraming tao. Inimbitahan din ni Ferdz ang mga kaibigang sina Migs at Dylan para magbakasyon na tinugunan naman ng mga ito kasama ang kani-kanilang partner na sina Sarah at Mandy. Naroon din si Red at ang girlfriend nitong si Chantal. Nagkatuwaan ang lahat na magkaroon ng games para sa mga magkakapareha. Dahil si Samara lang ang walang partner kaya s