"DAHAN-DAHAN LANG PO, mama," saad ni Madison habang akay nila ang kanilang mama. Palabas na sila ng hospital ngayon. Hawak niya ang isang braso nito samantalang sa kabila naman ay ang Kuya Mario niya. Isang linggo na nga pala ang nakalipas nang masaksak ang mama niya at ngayon na ang labas nito. Mabuti naman at naging maayos na ang lagay nito. Hindi siya namroblema sa bayarin dahil nagpresinta si Grayson na ito ang magbabayad na nangyari nga. Ni singkong duling ay wala siyang ginastos kaya laking pasalamat niya rito. Hindi lang niya makausap dahil sa kasunduan nila na hindi sila mag-iimikan hanggang sa magbago na ito. Marami siyang napansin kay Grayson nitong mga nakaraang araw, oo nga't hindi sila nagtatabi, nagkikita naman sila sa loob mismo ng bahay nito. Ang napansin niyang pagbabago