CHAPTER 37

3151 Words

NANLAKI BIGLA ANG mga mata ni Madison nang makita niyang unti-unti nang iminumulat ng mama niya ang mga mata nito. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto nito para tumawag ng doctor. Nang makatawag siya, pumunta na kaagad ang doctor kasama ang dalawang nurse. Sinusuri ng doctor ang mama niya samantalang siya'y nakatayo lang sa gilid. Hindi siya mapakali. Hindi na siya makapaghintay na makausap ang mama niya. Thank God, her mother is alive. Nang matapos ang doctor, kinausap siya nito. Maayos na raw ang mama niya. Kapagkuwan ay umalis na rin ang mga ito. Kaya naman dali-dali siyang lumapit dito, umupo sa tabi nito, at kinuha ang isa nitong kamay. "Kumusta ka na po, mama? Ayos ka na po ba? Ano pong nararamdaman niyo ngayon?" sunod-sunod niyang tanong sa mama niya. Dahan-dahan siya nitong binal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD