IT'S AWKWARD FOR Madison. Hindi siya nakakain nang maayos dahil kasama niya si Grayson. Isa lang ang tanong niya at ito'y bakit pumayag si Grayson na kumain siya— kasabay nilang mag-ama. She wants to ask Grayson, but she has no strength to open her mouth on Grayson dahil baka magalit ito na ayaw niyang mangyari. Matapos ang kanilang umagahan, hinatid na niya si Gray sakay ng kotse na si Manong Igme ang nagmamaneho. Nauna na si Grayson dahil may importante raw itong gagawin sa kumpanya nito— sa Montevilla Real Estate na ito mismo ang namamahala. "Ubusin mo ang baon mo, ha?" aniya kay Gray. Nasa loob sila ng kotse— sa backseat habang tumatakbo ito patungo sa school ni Gray. "Sige po, mommy. Uubusin ko po ang baon ko na hinanda niyo. For sure, it's delicious," nangingiting sabi ng anak ni