CHAPTER 9

2869 Words

ILANG ARAW NA siyang nasa bahay ni Grayson ngunit ilang na ilang pa rin siya rito. Minsan lang sila mag-usap kapag tungkol na kay Gray. Ilang siya dahil sa nangyari nitong nakaraang araw na may dinala itong babae sa mismong bahay nito. Was he serious? Anong pumasok sa utak nito para magpapasok ng w***e sa bahay nito? Wala bang pake roon si Grayson? Puwes, siya, may paki. Ang hindi lang niya ginawa ay hindi niya pinakialaman ang mga ito. Sino ba naman siya para mangialam? Mamaya'y masigawan pa siya ni Grayson o hindi naman kaya'y tanggalan siya nito ng trabahong hindi dapat mangyari. Kailangan niya ang trabahong ito dahil siya lang ang inaasahan ng mama at papa niya. Abala si Madison sa paggagayat ng mga gulay na ilalahok sa lulutin nila ni Manang Lourdes na sinigang na baboy nang marinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD